59

By

Didal sumungkit ng ginto

Nasungkit ni Pinay skateboarder Margielyn Didal ang kanyang unang gold medal sa Southeast Asian Games sa Women’s Game of Skate na ginanap sa Sigtuna Hall, Tagaytay International Convention Center.

Wagi si Didal kontra sa compatriot nitong si Christiana Means Huwebes ng hapon.

Malinis na performance ang ipinamalas ni Didal para maungusan si Means na lumagay sa silver medal.

Bronze medal naman ang nakuha ni Indonesian skateboarder Nyimas Cinta sa laban.

Matatandaan na maganda rin ang ipinakita ni 20-year-old Didal sa international tournaments kung saan nakuha nito ang first-ever Ladies Skate competition title sa Berrics, The Netherlands.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?