43

Jul 10, 2018 @ 18:23
By

Didal sasabak sa X Games sa Tate

Dadaan muna si Filipina skateboarder Margielyn Arda Didal sa Hong Kong para mag-training bago lumipad patungong Minneapolis, USA upang lahukan ang X Games na gaganapin sa US Bank Stadium.

Unang Filipina skateboarder ang Cebuana na si Didal na lalahok, naimbitahan siya na sumali sa women’s street category.

Pangalawang international competition ni Didal ito matapos lumahok sa Street League Skateboarding PRO Open sa London noong Mayo nang lumanding siya sa 8th overall.

Pagkatapos sa Minneapolis, nakatakdang tumungo si Didal para mag-train sa Woodward Camp sa Pennsylvania, ang pinakamalaking skateboarding training facility sa buong mundo.

Nabigyan si Didal ng dalawang linggong training scholarship, puntirya nito na iuwi ang gold medal sa 2018 Asian Games sa Palembang, Indonesia. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?