15
didal
By

Didal sasabak sa World Skateboarding

Sharing is caring!

Sasalang bilang unang Pinoy at natatanging Asyano si Cebuana skateboarder Margielyn Arda Didal na makatuntong sa Street League Skateboarding International competition sa United Kingdom.

Nagkwalipika kamakailan si Didal sa qualifier ng women’s division sa London upang tumuntong sa susunod na yugto ng Street League Series, na kinikilala bialng NBA of Skateboarding.

Si Didal ang inaasam ng Pilipinas na pinakaunang makakapagwagi ng gintong medalya sa Asian Games sa skateboarding sapul nang isali ang event nakaraang taon para sa regular na event na paglalabanan sa 2018 Asian Games na gaganapin sa Palembang, Indonesia simula Agosto 19 hanggang Setyembre 2.

Isa sa tanging Philippine pro female skater, si Didal ay awtomatikong binigyan ng imbitasyon para lumahok sa SLS sa United Kingdom kontra sa pinakamagagaling na skateboarders sa mundo base sa napagkasunduan na world Olympic qualification pathway sa World Skate Federation, ang IOC-recognized na international federation.

Isasagawa sa unang pagkakataon ang world’s most prestigious skateboarding competition sa London sa The Copper Box Arena, Queen Elizabeth Olympic Park sa Mayo 26-27.

Inaasahang sasabak ang 2018 SLS World Champion na si Nyjah Huston ng USA) at top contender Shane O’Neill ng Australia kontra sa iba pang up-and-coming athletes na asam makapagwagi sa London.

Makakasagupa naman ni Didal sa isasagawang World Tour tampok sa pinakaunang pagkakataon ang kababaihan sa pinakahihintay na women’s qualifier ang naging 2015 champion Leticia Bufoni ng Brazil at ang reigning back-to-back champion Lacey Baker ng USA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?