16

By

Didal may ginintuang puso rin: Pamilya ng namalimos na lola, pinakain ng sangkaterba

Sharing is caring!

Hindi nakapagtataka kung bakit buhos ang biyayang tinatamasa ngayong ng 2018 Asian Games medalist na si Margielyn Didal.

Sa Facebook post ni Skateboard Association of the Philippines Inc. president Monty Mendigoria, nagulat ito sa naging inasal ng kanyang alaga matapos ang kanilang guesting sa isang noontime show.

Kakain ng tanghalian ang grupo nina Didal nang makita ang tatlong bata kasama ang lola na namamalimos sa restaurant.

Biglang tumayo ang 19-anyos na skateboarder at pinapasok ang pamilya sa resto para pakainin nang parehas rin ng nakahapag sa grupo ng gold medalist.

Hindi pa rito natapos ang busilak na gawain ni Didal ng kanyang makita ang ilang kapwa skateboarder sa gilid ng isang supermarket sa Las Piñas.

Kusa siyang lumabas ng sasakyan at binigyan ng autograph ang kabataan, sinabing nakikita niya ang kanyang sarili sa mga musmos na skateboarder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?