9

Jun 10, 2021 @ 9:00
By

Didal kumpirmadong pasok sa Tokyo Olympics

Pormal nang inanunsyo ng skateboarding association na swak si Margielyn Didal sa Tokyo Olympics.

Kasama ang Pinay sa 20 atletang nakapasok sa women’s street skateboarding event.

Ito’y binahagi ni dating sports official Monty Mendigoria nitong Huwebes.

“As the former president of the Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc, no words can express how proud and happy I am to hear that Margie  officially qualified for the 2020 Tokyo Olympics,” ayon sa Facebook post ni Mendigoria.

Dahil dito, si Didal ang bumuo sa 10 atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics, makakasama niya sina gymnast Caloy Yulou, pole vaulter EJ Obiena, weightlifter Hidilyn Diaz, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa, at mga boxer na sina Eumir Marcial, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Irish Magno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?