20

Jun 5, 2021 @ 10:10
By

Didal abante sa Tokyo Olympics!

Kuwalipikado sa Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan nitong July ang 22-anyos Filipino skater na si Margielyn Didal.

Masayang ibinalita ng Skate Pilipinas na bigo man si Didal na makarating sa finals ng World Skate Championships sa Rome, Italy ay pasok siya sa Olympics matapos rumanggong No. 13.

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Margielyn Arda Didal (@margielyndidal)

Sa Instagram, ipinasilip ni Didal ang mga video ng kanyang second run at practice sa kompetisyon, kung saan ilan sa mga nakalaban niya ay mga bigating skateboarder.

“My 2nd Run and some fun clips from practice. I didn’t make it to the finals but Im stoked to be here and skate with the homies!” caption niya.

Kinilala siyang Women’s Asia Skater of the Year for 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?