565
ABANTE TNT dict telcos telecommunication prepaid load
Jan 5, 2019 @ 12:50

DICT tiniyak na walang balakid sa 3rd telco

Makakaasa ang publiko na makakapag-operate ang 3rd telco sa kalagitnaan ng 2019.

Ito ang tiniyak ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio kay Pangulong Rodrigo Duterte sa briefing na ginawa sa Pili, Camarines Sur.

Sinabi ni Rio na tuloy-tuloy ang pagproseso sa mga kailangan ng Mislatel, ang 3rd telco para makapag-operate na sa kalagitnaan ng taon.

Tinanong ng Pangulo si Rio kung may nagsampa ng kaso sa korte para maantala ang proyekto pero sinabi ng kalihim na wala namang naglalabas ng injunction o temporary restraining order na korte.

“Do we have any particular project , including the telco that is now subject of a litigation? Because I’ve always warned the judiciary not to interfere about injunctions and all because it will delay projects of government,” anang Pangulo.

Sinabi ni Rio na kung mayroon mang nagpasaklolo sa korte para hindi matuloy ang 3rd telco ay hindi na nila pinapansin dahil sa paniwalang hindi magtatagumpay ang mga ito.

“Hindi na namin pinapansin sir. We are sure it will not really prosper. We can answer all their concerns in court.

We will have a third telecommunication by middle part of this year. Wala na itong problema sir,” ang paniniyak ni Rio kay Pangulong Duterte. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?