21
views
ABANTE TNT dict telcos telecommunication prepaid load
By

DICT sa telcos: Ipatupad ang 1-year validity ng prepaid load

Sharing is caring!

Binigyan na ng palugit ang mga telecommunications companies (telcos) para maumpisahan ang isang taong bisa ng mga prepaid load na mas mababa sa P300.

Sa direktiba ng Department of Information and Communications Technology (DICT), may anim na buwan ang mga telco para ipatupad ang utos sa mga ito.

Kapag hindi sumunod ang telcos, pagbabayarin sila ng malaking multa.

Binigyan sila ng palugit para mabago ang kanilang software.

Nitong nakaraang Disyembre, nagpatibay ng Joint Memorandum Circular No. 05-12-2017 ang DICT, National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Trade and Industry (DTI) kung saan pinalawig ang validity ng prepaid cards.

Sa panuntunan noon ng NTC, ang tagal ng bisa ng prepaid loads ay batay sa sumusunod:

· over P300 prepaid load – 120 days

· P250 to P300 – 75 days

· P150 to P250 – 60 days

· P100 to P150 – 45 days

· P50 to P100 – 30 days

· P10 to P50 – 15 days

· P10 or lower – 3 days

Samantala, inaaksyunan na umano ng DICT ang umuusbong pa ring reklamo ukol sa “disappearing” prepaid loads. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?