160

By

DICT sa mga guro: Iwasan ang mga ‘like-based’ school project

Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Linggo sa mga guro na iwasan ng mga ito na magbigay ng mga school project at output na ang grado ay ibabase sa dami ng ‘likes’ na makukuha sa social media.

Ginawa ni DICT Secretary Eliseo Rio ang panawagan matapos na makatanggap ng reklamo mula sa mga magulang.

“This was the common complaints of parents during the Digital Parenting seminars conducted by the DICT Cybersecurity Bureau. Some projects assigned to students required them to post in social media and are graded on the number of likes they get,” saad ni Rio ayon sa report ng Inquirer.

Saad ni Rio, ang mga proyektong ipinoste sa social media ay maaaring mag expose sa mga estudyante sa mga isyu tulad ng breach of privacy o cyberbullying sa mga komento na iiwan ng mga makakakita nito sa kanilang mga output.

“This exposes the students to cybersecurity issues like cyberbullying, getting comments that may undermine their confidence, and worst, getting private details of the minor students exposed to strangers,” saad ni Rio.

“Our students must be protected from unnecessary dangers in social media. Projects like these must be contained in a secured platform,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?