57

Jun 17, 2020 @ 21:38

DICT RJ Jacinto nag-`mananita’ sa bar

Pinagmayabang ng RJ Bistro at RJTV ang ginawang birthday party para kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Ramon RJ Jacinto noong Hunyo 5 at 6 sa Bravo Executive Lounge sa Makati.

Ang RJTV ay nag -livestream pa ng birthday party ni RJ sa Facebook noong Hunyo 6 at tinawag pa itong birthday marathon. At muling nagpa- party ng live sa RJTV noong June 16 kung saan kasama si Atty. Mike Toledo na abogado ni Manny V. Pangilinan.

Sa FB post ng RJ Bistro, tila inumaga pa ang mga tao dahil ang title sa post ay `RJ Birthday Marathon Jam last June 5&6, 2020’ habang umiiral ang curfew sa maraming lugar sa bansa.

Ang livestream ng RJTV noong June 16 ay may oras na 20:52 o 8:52 PM na lagpas na sa 8:00 PM curfew ng maraming pang lugar sa Metro Manila.

Hindi rin sinunod ni Jacinto ang pagbabawal sa paglabas ng bahay ng mga senior citizen dahil Martial Law pa ng diktador na si Marcos siya nag- umpisang tumutugtog sa banda.

Noong June 16 dumalo si Toledo at tatlo pa ang kinanta niya. Sabi ni Jacinto, lima ang scotch na ibibigay kay Toledo dahil sa kanyang pagkanta.

Nagbiruan pa si Jacinto at si Toledo. Nang bolabolahin ni Jacinto si Toledo, sinabi ni Toledo na napakabait ng kanyang mga salita, sabay tanong kung epekto ba iyon ng lockdown.

Sa dulo ng June 16 livestream, nagpasalamat si Jacinto sa pagpunta ng marami sa RJ Bistro. Ginawa daw niya yun dahil nais nilang patunayan na pwede iyong gawin.

“I just want to thank everybody for coming here. It’s really the first, our first live show we had since the lockdown. And we just wanted to demonstrate that it can be done. A live show on TV,” sabi niya.

May social distancing naman daw at nagsuot sila ng masks bago mag show. May alcohol din daw sa entrance at may alak din na inumin. Sabi niya, sila ang dabest na kasama sa lockdown.

Ilan sa mga naki-jam sa birthday marathon sina Richard Mercks, Jojo Alejar at Rey Langit. (Eileen Mencias)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?