9

Nov 23, 2021 @ 13:51
By

DICT namahagi laptop sa mga estudyante sa Occidental Mindoro

Namigay ng laptop ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mag-aaral sa high school sa Occidental Mindoro.

Natanggap ng Cybersafe Learning for Education Project beneficiaries mula Tangkalan Elementary Schools at Occidental Mindoro National High School ang ipinamahaging laptop ng DICT.

Nilalayon ng proyekto na bumuo ng cybersafe learning hygiene at maprotektahan ang mga mag-aaral at guro mula sa iba’t ibang banta ng cyber attack.

Ilang mag-aaral din ang nakatanggap sa Samar, Batangas, Malvar, Taytay at Muntinlupa ng laptop mula sa proyekto ng DICT. (Sherrylou Nemis)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?