6

Nov 11, 2020 @ 15:51
By

DICT naglunsad ng libreng WiFi sa Occidental Mindoro

Pinalawak pa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga libreng WiFi site sa bansa sa gitna na rin ng demand sa teknolohiya dahil sa banta ng coronavirus disease.

Inilunsad ng DICT nitong Miyerkoles ang 40 newly activated free WiFi site sa sampung lugar sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

“As a country becomes even more reliant on the information and communications technology or ICT because of the physical restrictions brought about by COVID-19, DICT is further ramping up the deployment of free WiFi sites in all regions to ensure that no Filipino is left behind in this transition to the new normal,” ani DICT Secretary Gringo Honasan sa kanyang keynote message.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?