4

Nov 6, 2020 @ 11:19
By

DICT inuunang malagyan ng libreng Wi-Fi mga paaralan, library

Nakapagkabit na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng kanilang programang libreng Wi-Fi sa 6,723 lugar sa buong bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DICT na nilagay ang mga “Free Wi-Fi for All” site sa 1,021 bayan at lungsod sa 80 lalawigan, kabilang ang Metro Manila.

Dahil anila sa mga hamon na dinala ng pandemyang COVID-19 ay kasalukuyang binibigyang-prayoridad ng ahensiya sa kanilang “intensified rollout” sa nasabing programa ang sektor ng edukasyon.

“Presently, the program has established free Wi-Fi sites in 138 public libraries, 1018 public schools, 967 State Universities/Colleges, and Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) institutions,” ayon sa DICT.

Sambit pa ni DICT Secretary Gregorio Honasan II, sa online launch ng AFPETDC free Wi-Fi hub noong Oktubre 28, na ang paglalagay ng mga libreng Wi-Fi sa mga paaralan nationwide ay upang maibsan ang kalagayan ng mga nagtuturo at nag-aaral sa gitna ng pandemya.

Samantala, target ng ahensiya na hanggang sa dulo ng 2020 ay makapagkabit sila ng kabuuang 10,069 live site. May plano rin ang DICT na magtayo ng hanggang 100,000 Wi-Fi access site sa taong 2023, kasunod ng deployment ng National Broadband Program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?