36

Sep 14, 2021 @ 15:53
By

DICT: Halos 11K libreng WiFi site sa bansa naitayo

Ipinagmalaki ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II ngayong Martes na umabot na sa 10,996 ang mga WiFi site na naikalat sa buong bansa para sa libreng koneksyon ng publiko.

“Meron na rin tayo ngayong 10,996 free WiFi sites na nakakabit sa buong bansa, that’s our tally as of now,” wika ni Honasan.

Ayon pa sa kalihim, mula 2016 hanggang 2019 ay nasa 800 site kada taon lamang ang kanilang naitatayo, subalit noong 2020 ay nakapagtayo sila ng 4,305 free WiFi site.

Una ng sinabi ng DICT na aabutin pa umano ng dalawang taon bago masuplayan ng libreng WiFi ang 43,000 barangay at elementary school sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?