96

Jun 17, 2019 @ 19:47
By

DICT: Certificate to operate ng Mislatel, posibleng ilabas sa July 8

Maaari umanong i-release ang certificate to operate ng ikatlong telecommunications player na Mislatel sa Hulyo 8.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) officer-in-charge Eliseo Rio sa dzmm, nakatakda ang tentative release ng Certificate of Public Convenience at frequencies ng Mislatel na kailangan para makapagbigay na ito ng telecommunication services.

Kailangan umanong magbayad ng Mislatel ng P25.7 billion performance bond bago ang Hulyo 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?