1,172

Nov 30, 2021 @ 11:46
By

Dick Gordon nagmamarunong! – Duterte

Muling nakatikim ng banat si Senador Dick Gordon matapos itong tawaging nagmamarunong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Talk to the People, muling inungkat ng Pangulo ang P86 million na sinisingil ng gobyerno sa senador mula sa notice of disallowance ng Commission on Audit (COA) na pinagtibay ng Korte Suprema.

Ilang taon na aniya ang atraso ng senador pero hanggang ngayon ay hindi pa rin isinasauli ni Gordon ang pondo sa gobyerno.

“The decision has become final and executory six years ago. Four years? Hanggang ngayon hindi pa niya nabayaran. Gordon na ito. Tapos kung magdaldal akala mo lahat ng…ila-live mo kasi para marinig. Mas magpakamarunong pa,” anang Pangulo.

Nais sana nitong patakbuhin sa senado si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade para lecturan ang mga hindi masyadong marunong sa batas subalit ayaw aniya ng kalihim.

Tinawag din ni Pangulong Duterte na “bugok” ang legal counsel ng senado.

“Eh kung si Tugade ka kasi iyon ang valedictorian namin sa law school, oh eh mas ok pa. Kaya patakbuhin ko sanano senador para lecturan the finer points of law. Iyong legal counsel nila diyan bugok,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?