63

Dec 9, 2017 @ 21:43
By

Diaz target ang gold sa Asian Games

Kung ang Philippine Weightlifting Association lang ang masusunod, dalawa hanggang limang lifters ang magiging pambato ng bansa para sa 18th Asian Games 2018 sa Indonesia sa darating na Aug. 18-Sept. 2.

Sang-ayon kamakalawa kay PWA president Monico Puentevella, ang pagkasigurado sa pambansang delegasyon ni Hidilyn Diaz ay hindi lang sa silver medal na tinapos niya sa 2016 Rio de Janeiro Olympics kundi sa bronze pa sa women’s 53-kilogram division din sa buwang itong World Weightlifting Championships sa Estados Unidos.

Bukod sa 26-anyos na dalagang tubong Zamboanga City, kursunada rin ni Puentevella na maging bet ang 21-taong-gulang na si Kristel Macrohon na ika-13 sa pangkalahatan sa 69-kg. sa 2017 World Championships.

Gayundin din sina Elien Rose Perez na wagi ng gold sa nakalipas na buwang Yanggu Asian Senior Cup Weightlifting Championships, Dessa de los Santos, at Elreen Anne Ando.

Pero may tinakdang kraytirya ang Philippine Sports Commission at Phil. Olympic Committee para sa komposisyon ng pambansang delegasyon sa 2018 Asiad kaya si Diaz pa lang ang swak.(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?