55

Jun 4, 2019 @ 16:18
By ,

Diaz nagpapasaklolo sa pribadong sektor

Humingi na ng pinansyal na tulong sa ilang pribadong kumpanya si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz para sa kanyang kampanya sa 2020 Summer Olympics sa Tokyo, Japan.

Sa Instagram story na pinost ni Diaz, tinanong nito ang ilang kumpanya kung ayos lang pondohan siya ng mga ito dahil hirap na hirap na siya.

“Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ako. I need financial support,” sabi ni Diaz.

Bagaman hindi sinabi ni Diaz kung sa anong aspeto ng kanyang kampanya siya humihingi ng pondo, kakapalan niya raw ang kanyang mukha para sa pangarap ng gintong medalya ng bansa.

“Sa tingin niyo, okay lang kaya? Nahihiya kasi ako pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa na maiuwi ang gold medal sa Olympics,” dagdag nito.

Ilang beses nang pinatunayan ni Diaz ang kakayahan niya kabilang ang silver medal sa 2016 Rio Olympics at gintong medalya sa 2018 Asian Games.

Kamakailan lang ay nasungkit din ni Diaz ang tatlong silver medals sa 2019 Asian Weightlifting Championships sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?