24

By

Diaz, 2 pa tatapusin ang 50 taong tighaw sa medalya

Positibo si national weightlifting coach Antonio Agustin na mabibitbit ng tatlong hoister ang kanilang mga momentum para tuldukan ang halos pitong dekadang pagkauhaw sa gold o tumapos sa tagtuyot sa medalya sa may 50 taon ng bansa sa papasok na buwang 18th Asian Games 2018.

Tatlo na ang naaprubahang lifter ng AG Task Force para sa quadrennial Asiad sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Ayos na sina Hidilyn Diaz, Nestor Colonia at Kristel Macrohon sa mga nabuo sa Asiad TF na mga opisyal ng Philippine Sports Commission na sina William Ramirez (chairman), Merlita Ibay (acting executive director) at Guillermo Iroy, Jr. (acting deputy executive director), at Phil. Olympic Committee-national sports association officials na sina chef-de-mission Richard Gomez ng fencing, deputy CDM Richard Bachmann ng squash at Manny Cabiling ng obstacle sports.

Nag-qualify si Diaz dahil sa silver medal sa 31st Summer Olympic Games 2017 sa Riode Janeiro, Brazil, si Colonia sa bronze sa 82nd Men’s and 25th Women’s World Weightlifting Championships 2015 sa Houston, Texas, at si Macrohon ay sa 5th Asian Indoor Martial Arts Games 2017 sa Ashgabat, Turkmenistan.

Sa event kung saan nakuwalipika sa Indonesia Asiad sina Colonia at Macrohon, nakapitas din doon si Diaz ng tatlong bronze at isang silver. Nag-silver-bronze din siya sa 83rd Men’s & 26th Women’s WWC 2017 sa Anaheim, California. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?