12

Jul 19, 2021 @ 21:45
By

Diarrhea outbreak sa Davao del Norte: 1 patay, halos 400 naospital

Tinamaan ng diarrhea outbreak ang Davao del Norte.

Isang residente ng Sto. Tomas ang pumanaw na habang 397 pang residente ang ginagamot, ayon sa “24 Oras” report.

Posible umanong sanhi ng pagtatae ng mga residente ay kontaminadong tubig.

Isinailalim na ang 397 residente sa swab test dahil kabilang ang pagtatae sa sintomas ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?