68

Nov 4, 2019 @ 22:00
By

Diakhite, Chabi Yo, Manzo nagbida sa mga istatistika

Tapos nang mainit na UAAP Season 82 men’s basketball tournament 2019 14-game elims, lumitaw na mga matitikas na sina Alex Diakhite ng UE Red Warriors, Soulemane Chabi Yo ng Sto. Tomas Growling Tigers at Jun Manzo ng UP Fighting Maroons.

Nanguna para sa scoring si Diakhite sa 17.62 points per game, kaya lang ay pumampito lang ang Recto-based cagers sa 4-10 win-loss record kabaraha ang tumalo sa kanila sa quotient na pumang-anim na Adamson Soaring Falcons,

Bumuntot kay Diakhite ang kakuwadra niyang si Rey Suerte na may average na 17.57, pumangatlo si Kobe Paras nang nag-No. 2 sa stepladder semis na teammate ni Manzo sa 17.42 ppg.

Nasa 4th-5th spots sina Dave Ildefonso ng pumangwalo o kulelat na NU Bulldogs sa 17. 14 pts. at Chabi Yo na naka-16.93 markers kada salang para pumang-apat ang USTe sa Final Four.

Lider sa rebounds leaders si Chabi Yosa 14.71 bawat laro, swak sa top five sina Diakhite na nagtala ng 13.69 rpg, Adamson Soaring Falcon Lenda Douanga na may 13.07 rpg, Justine Baltazar sa 11.79 rpg, at Ateneo Blue Eagle Angelo Kouame na nag-11.79.

Tigasin sa assist si Manzo na may average na 4.29 per game, 2-3-4-5 sina Andrei Caracut ng fifth placer La Salle Green Archers na mayroon 4.14 apg, FEU Tamaraw LJ Gonzales na may 4.0 bawat laban, Suerte na may 3.86, at Green Archer Aljun Melecio na may 3.71 apg.

Namumuno sa steal si Bright Akhuetie ng Peyups sa 1.57 spg, Adamson’s Jerom Lastimosa ( 1.43), Ateneo Blue Eagle Matt Nieto (1.29), Suerte (1.21) at Paras (1.17).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?