39

By

‘Di sincere! Inday Sara hindi makikipagbati kay Alvarez

Walang balak si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tanggapin ang alok na pakikipagkasundo ni Congressman Bebot Alvarez.

Sa ipinalabas na pahayag ng alkalde, sinabi nitong ang alok na rekonsilyasyon ni Alvarez ay mapanlinlang at kulang sa sinseridad.

Lingid aniya sa kaalaman ni Alvarez ay may nakakuha ng video sa kanya nang magbanta ito na ipapahiya siya matapos manalo sa katatapos na eleksyon.

Sinabi ni Mayor Sara na mapanganib si Alvarez at gagawin ang lahat para magawa ang plano kaya hindi aniya karapat-dapat para sa rekonsilyasyon.

“I have no intention of accepting Rep. Bebot Alvarez’s offer of reconcilliation because the offer was deceiving and utterly lacked sincerity,” ani Mayor Sara.

Nag-ugat ang iringan sa pagitan ng anak ng Presidente at ni Alvarez nang akusahan umano nito si Mayor Sara na taga-oposisyon.

Ginantihan naman siya ni Mayor Sara sa pamamagitan nang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker noong nakalipas na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?