260

Jul 8, 2019 @ 13:28
By

‘Di sadya! Bato nag-sorry sa ‘shit happens’ remark

Humingi ng paumanhin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang pahayag sa pagkamatay ng tatlong taong gulang na batang babae sa isang buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal noong nagdaang linggo.

“Klaruhin ko lang. Kung hindi maganda ang dating sa parents ng bata na namatay, I would like to apologize to the family yung aking wrong use of term,” pahayag ni dela Rosa.

Paliwanag ng bagitong senador, sa halip ng ‘shit happens’ dapat ‘unfortunate incidents do happen’ ang kanyang ginamit na salita.

“Dapat sinabi ko dun, instead na shit happens, dapat unfortunate incidents do happen. So dapat ganoon ang aking choice of words,” saad ni dela Rosa.

“Naging kuwan lang ako, nakalimutang ko lang, police lingo pa rin ang ginagamit, nakalimutan na dapat pala umiwas ako sa ganoong mga words dahil senador na ako,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay dela Rosa, sa susunod ay magiging maingat na siya sa kanyang mga pahayag para hindi mabigyan ng masamang intepretasyon ng iba.

“Oo. Ingat ingat na tayo. Bantay tayo na hindi tayo gagamit ng ‘di magandang words,” ani dela Rosa.

Pero iginiit pa rin nito na sa mga ganoong klaseng police operation, split second diumano ang desisyon ng mga pulis na kasama sa operasyon.

“Yung decision making mo mabilisan at if you don’t have the luxury of planning, analyzing, everything, ang bilis ng pangyayari, talagang mangyayari at mangyayari na hindi maganda,” ani Bato.

“Dahil nga, you don’t have complete control of the operation environment. Hindi kontralado kaya may mangyayari talagang hindi maganda,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?