107

Mar 5, 2020 @ 21:23
By

‘Di rehistradong online sabong machine sa QC, sinelyuhan ng BIR

Tinatayang bilyong pisong halaga na lugi ang haharapin ng kompanyang Manila Cockers Club Inc. matapos madiskubre ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi rehistrado ang lahat ng kanilang betting machine na ginagamit sa online sabong, na inilagay sa 132 establisyimento sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Sa Timog Avenue Quezon City, sinilbi ang mission order at sinelyuhan ang betting machine na nasa loob ng isang restaurant.

Ayon kay Marissa Cabreros, Deputy Commissioner ng BIR, dapat nakarehistro ang mga betting machine dahil kailangan ng gobyerno ng record ng mga transaksyon sa pagitan ng kompanya at mga customer.

Pananagutin ang kompanya sa lahat ng unregistered machines nito.

Inaalam naman ang posibleng pananagutan ng establisimiyento dahil sa pagpayag nitong pagrentahin ang mga machine ng kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?