416

Dec 14, 2017 @ 17:21

Di pinasingit ni Gordon, Villanueva nag-walk out sa Dengvaxia probe

Dahil sa sobrang inip at hindi makasingit kay Senador Richard Gordon, nag-walk out kanina si Senador Joel Villanueva isang matapos ang pagdinig sa anti-dengue controversy sa Senado.

Napikon diumano si Villanueva sa pasaring ni Gordon, chair ng Senate blue ribbon committee, matapos sabihin ng huli sa mga kasamang mambabatas na manahimik habang isinasagawa ang pagdinig.

Ayon kay Senador JV Ejercito, nagmadaling umalis ng plenaryo si Villanueva bilang pagpapakita ng pagkainis sa inasal ni Gordon.

Nawalan na umano ng gana si Villanueva at hindi na hinintay pa ang kanyang oras na makapagtanong sa mga resource speakers dahil kontrolado diumano ni Gordon ang pagdinig at hindi na sila makasingit.

Kinumpirma ni Villanueva na nainis siya kay Gordon subalit giit nito umalis siya dahil kaialangan niyang dalawin ang kanyang ina na nasa ospital.

Bukod kay Villanueva, dismayado din si Senate minority leader Franklin Drilon dahil hindi siya binibigyan ng sapat na panahon para makapagusisa sa mga inimbitahang resource persons sa naturang pagdinig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?