195

Jan 13, 2022 @ 16:32
By

‘Di pinasahan! Harrell napikon kay Caldwell-Pope

Nagsuntukan ngunit ‘di nagkatamaan ang magkakampi na sina Montrezl Harrell at Kentavious Caldwell-Pope sa halftime ng kanilang laro kontra Oklahoma City Thunder noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat ni Shams Charania ng The Athletic, nasura si Harrell matapos siyang hindi pasahan ni Caldwell-Pope sa isang play bago magtapos ang first half.

Kaya pagdating sa locker room, nagkasagutan ang dalawa hanggang sa magkapikunan, na nauwi pa sa palitan ng suntok.

“As the two exchanged words, Harrell and Caldwell-Pope took swings toward each other — with neither connecting — and became entangled before teammates separated them, sources said,” saad sa ulat ni Charania.

Dahil sa nangyari, hinigpitan ang pagbabantay sa locker room ng Wizards.

Sa kabila ng kanilang away, nagwagi pa rin ang Washington kontra Thunder, 122-118, kung saan may 12 points si Harrell habang may 16 points si Caldwell-Pope. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?