57

By

Di pa tapos ang away: JK Labajo di magso-sorry kay Darren Espanto

Sharing is caring!

Hindi pa rin pala natatapos ang hidwaan ng The Voice Kids Philippines alumus na sina J.K. Labajo at Darren Espanito.

Sa isang event ay nasabi ni J.K. na wala siyang intensyon na palakihin ang issue nila ni Darren dahil hindi naman daw siya ang nagsimula nito.

Hangga’t maaari ay gustong umiwas ni J.K. sa anumang issue na hindi naman daw makakatulong sa kanyang career.

“The thing kasi with all these interviews, ilalabas ‘yung article, ‘yung mga tao and everything, mababasa nila, lalaki pa ‘yung issue.

“Well, even though in the first place hindi ako ang nagpalaki ng issue. I did not want an issue in the first place.

“Kasi I privately messaged him. If ginusto ko ‘yung issue na lumaki, dapat ako pa nag-post nu’ng una, ‘di ba?” diin pa niya.

Pinagdiinan din ng singer na walang makukuha sa kanyang apology si Darren dahil mali ang akusasyon sa kanya nito. Kapag nag-sorry daw siya, lalabas na meron siyang kasalanan.

“I don’t feel bad kasi I didn’t do anything.

“Kasi hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para magsinungaling to the extent pati sa harap ng mga boss. You know what I mean.

“I will apologize if I did something.

“Well, iba-iba kasi ang paniniwala ng mga tao. Hindi ko na mababago ‘yun.

“So let it be. Ako, okay na ako sa issue. Tapos na ako. Even way back then, I chose a different path, you know,” pagtapos pa ni J.K. Labajo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?