6

Mar 3, 2021 @ 15:59
By

‘Di nilagnat: FDA chief maayos pakiramdam matapos maturukan

Walang naramdamang adverse effect si Food and Drug Administration (FDA) director-general Eric Domingo sa ikalawang araw ng kanyang COVID-19 vaccine mula sa Sinovac.

Ito ang inihayag ni Domingo sa Laging Handa press briefing matapos kumustahin kung mayroong kakaibang naramdaman sa katawan matapos siyang mabakunahan.

Sinabi ni Domingo na wala rin siyang naramdamang lagnat o kaya ay pananakit ng braso na normal na nararanasan kapag nagpabakuna.

“Wala naman po akong naging karamdaman, wala namang adverse effects na naramdaman. Hindi ako nilagnat, hindi sumakit yung braso at patuloy naman kaming nagmomonitor dito sa FDA,” ani Domingo.

Kaugnay naman sa monitoring ng FDA sa mga health worker na nabakunahan simula noong Lunes, sinabi ni Domingo na nakatanggap sila ng 23 reports na nakaranas ng minor adverse effect ng bakuna.

Iniulat ng opisyal na tumaas ang bilang ng mga nagpabakuna ngayon sa Philippine General Hospital matapos makitang nagpabakuna ang mga opisyal ng hospital.

“Doon po sa PGH medyo dumami talaga after the second day dahil nakita nilang nagpabakuna si Difector Gab at ako at isang specialist doctors na nagpabakuna na rin at nakitang walang kanais-nais na nangyari sa amin,” dagdag ni Domingo.

Umaasa ang opisyal na makadagdag sa kumpiyansa ng iba pang medical health workers ang ginawa nilang pagpapabakuna dahil para na rin ito sa kanilang proteksiyon at kaligtasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?