1,838

By

‘Di nila ko makakasuhan! Duterte nangampanya sa Papua New Guinea

Sharing is caring!

Hindi nagpapigil si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-endorso sa mga pambato nitong opisyal para sa 2019 midterm elections.

Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Papua New Guinea, ikinampanya nito si dating Bureau of Corrections Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kakandidatong senador.

Sinabi ng Pangulo na kailangan ng mga pulis na matino at mahusay aniya ang dating hepe ng Philippine National Police.

Batid ng Pangulo na bawal ang maagang pangangampanya pero ikinatwiran nito na wala naman siya sa Pilipinas.

“Si Bato by the way is running for senator. Mahusay talaga ito, kailangan ninyo ng mga pulis na matino. At saka may isang ano pa — bawal daw sa kampanya. Utot, wala man ako sa Pilipinas,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na ang batas ay jurisdictional at maari lamang maparusahan sa bansang pinangyarihan ng krimen.

“You know criminal crimes are jurisdictional. You can only be prosecuted in the country where you committed the crime. Eh magkampanya ako dito, paki ninyo. Ang kausap ko ang mga guwapo at guwapa sa Papua New Guinea,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?