73

Oct 26, 2017 @ 14:21

‘Di nasiyahan sa gupit, 3 lalaki winasak ang parlor

Nagsampa ng reklamo ang isang bading matapos basagin ang  salamin ng pinagtatrabahuang parlor ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek, Miyerkules ng gabi sa Marikina City.

Umiiyak na dumulog sa Marikina police si Jay Alvin Landicho, haircutter, nasa hustong gulang at residente ng Molino St., Parang, Marikina City matapos ireklamo ang tatlong hindi pa nakikialang suspek na umanoy bumasag ng kanilang glass wall.

Batay sa report, habang naka-duty si Landicho sa loob ng Reyes Hair Cutter na natatagpuan sa 66 BG Molino St., Barangay Parang noong Miyerkoles 6:30 ng gabi nang magulat sila nang makarinig ng putok ng baril at pagkabasag ng kanilang glass wall.

Agad na lumabas ang biktima at nakita ang tatlong kalalakihan na agad na sumakay ng Toyota Vios na walang plaka.

Nabatid na may tatlong lalaki ang nagpa-service sa nasabing parlor at tinatarayan umano ng biktima kya posibleng ikinagalit ng mga suspek.

Kasalukuyang inaalam pa rin ng pulisya ang motibo ng pagbasag ng glass wall ng nasabing parlor habang inaalam pa kung gumagana ang nakakabit na cctv unit sa poste na pag-aari ng Barangay Parang. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?