14

Sep 22, 2020 @ 9:11
By

‘Di namin kinaya! DENR nag-sorry sa kumpulan sa Manila Bay

Humingi ng tawad ang Department of Environment Natural Resources (DENR) sa binabatikos na overcrowding sa “white sand beach” sa Manila Bay noong weekend.

Aminado si DENR Undersecretary Benny Antiporda na hindi nila nakontrol ang dumagsang mga mamamayan na bumisita sa tinambak na dolomite sa shoreline ng nasabing lugar.

“We’d like to apologize for what happened this weekend,” wika ng kalihim sa CNN Philippines ngayong Martes, Setyembre 22.

“Social distancing, health protocols were implemented well but sad to say with the long line, hindi po natin kinaya ‘yung sa may area sa kabila. Nagkaroon ng ganitong problema at dito sa may overpass, hindi rin namin masyadong na-control,” aniya pa.

Sa parehong panayam, giniit ni Antiporda na may kanya-kanyang trabaho ang bawat ahensiya ng gobyerno, at nagawa na ng DENR ang parte nila na pansamantalang buksan sa madla ang “pinagandang” Manila Bay habang may pandemyang COVID-19.

Hindi raw nila mandatong kontrolin ang mga bisita roon.

“Again, let me tell everybody that each agency in the government has its own mandate. We have our jurisdiction there wherein our jurisdiction is only in the entrance and the white sand area,” sambit ng kalihim.

“We’ve done our part,” giit niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?