80

Jul 6, 2020 @ 13:38
By

‘Di nakuha sa palakasan: Piolo tinaboy sa Sagada

Pinaalis ng pamunuan ng Sagada, Mountain Province ang grupo nina direktor Joyce Bernal at aktor Piolo Pascual na binalak mag-shoot sa bayan para sana sa state of the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wika ni Sagada Mayor James Pooten, hiniling nilang umalis sina Piolo para sa kapakanan ng kalusugan ng mga residente roon.

Wala aniyang permit ang makapagbabago ng desisyon nilang isara ang Sagada mula sa mga turista.

Ito, kahit pa may bitbit ang grupo nina Bernal na travel papers at authorization mula sa Malacañang.

“We hope to keep Sagada COVID-free. Hindi nakukuha sa palakasan ito. Health kasi ng mga tao ang kailangan [alagaan],” sambit pa ng alkalde, sa isang ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?