2,526

Jul 3, 2019 @ 12:30
By

‘Di nakatiis! Manyak nagparaos sa event ng Momoland

Hindi nakapagpigil at nagsariling-sikap mismo sa fan sign event ng South Korean girl group na Momoland ang isang lalaki sa Mexico.

Ayon sa ilang tweet, binastos umano ang mga miyembro ng Momoland sa Mexico, sinisigawan ng mga mahahalay na salita at ang iba pa ay nagmumura umano sa nasabing event.

Nahuli naman na ang lalaking nagparaos sa nasabing event, ayon sa organizer na Academia Ninshi.

Marami ang nainis sa naging trato sa Momoland, na kinabibilangan nina Daisy, Taeha, Nancy, Yeonwoo, Jane, Ahin, Hyebin, Jooe at Nayun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?