80

Sep 25, 2020 @ 22:54
By

‘Di nakatiis! Cong hinalikan boobs ng bebot sa Zoom meeting

Dumarami ang nalalantad na kalaswaan ng mga politiko dahil sa video conference.

Sunod na naging biktima ay ang kongresista mula Argentina na naaktuhan sa video na binaba ang damit ng isang bebot at hinalik ang boobs nito habang nasa sesyon ng Kongreso.

Naere ang ginawa ng mambabatas na si Juan Emilio Ameri kaya’t kaagad itong sinuspende dahil sa kalaswaang ginawa habang nasa sesyon.

Ayon naman sa 47-anyos na congressman, hindi niya intensyon na i-broadcast ang kanilang sexual act ng kanyang partner at hindi nito alam na nakakonekta na pala siya sa virutal conference.
“I’m very ashamed, [I feel] very bad,” lahad ni Ameri sa isang radio interview. “Here, throughout the interior of the country, the [Internet] connection is very bad.”

“We were in session, [but] the Internet dropped [out]. My partner came out of the bathroom, I asked him how the prostheses were and I gave her a kiss, because 10 days ago she had a breast implant operation,”aniya pa.

Nag-viral sa internet ang ginawa ni Ameri at pinag-iisipan ng Kongreso sa Argentina kung may parusa pang pwedeng maipataw sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?