473

Apr 29, 2020 @ 16:04
By

‘Di nakapasok sa top 10 ng Bar exams: UP, Ateneo binuska ng mga netizen

Top trending sa Twitter ngayong Abril 29 ang UP at Ateneo matapos ilabas ang resulta ng ginanap na November 2019 Bar examinations.

Isang graduate mula sa University of Santo Tomas-Legazpi ang nanguna sa 2,103 examinee na pumasa sa Bar exams.

Nagkamit si Mae Diane Azores ng pinakamataas na score na 91.049%.

Sinundan siya ni Princess Fatima Parahiman ng University of the East.

Isa pang University of Santo Tomas-Legazpi grad ang nakakopo ng 3rd spot na si Myra Baranda.

Samantala, ang nakapasok sa top 4 hanggang top 10 naman ay mula sa San Beda College-Alabang, Palawan State University, UST, Jose Rizal University, Saint Louis University, PUP at University of St. La Salle.

Kaya naman inulan ng pang-aasar mula sa maraming netizen ang dalawang prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas.

Maging si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay sinisi sa naging kapalaran ng mga Ateneo at UP examinee dahil sa pag-discriminate umano niya sa ibang law student, lawyer at law professor na hindi graduate ng dalawang nabanggit na unibersidad.

@reyna_elena: “My school is number 1! Hahahaha! Where are you here Kurimaw Guanzon?! Where is your UP and Ateneo? An saket humataw nang karma!”

@hazelcarpio_: “Com. Guanzon is discriminating law students, lawyers, and law professors who did not graduate from UP and ATENEO. #NoToDiscrimination.”

@iamurs_18: “They are starting some arguments na about ppl mocking UP and Ateneo. Omg, ano to debate agad agad? HAHA.”

@friesnijustin: “Nagbackfire tuloy kaya walang nakapasok from UP and Ateneo. Awitsxcz. But hey!!! Top 9 from PUP for the first time!!! Grabeee, such an honor!”

@VeeeeDj: “UP and Ateneo @rowena_guanzon left the group! #BawalAngShunga.”

@MrPepsiLLas: “Mas inuuna kasi ang rally ng UP and Ateneo hahaha asan na si Commisioner Guanzon hahah.”

@ARTHurSERVICE: “Na-jinx kasi ni Comm. Guanzon ang UP and Ateneo. Isko and Atenean friends, alam nyo na kung sino sisisihin. Lols.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?