223

Jul 15, 2019 @ 11:32
By

‘Di na ‘tae-tae’ island! Moreno binida ang Bonifacio Shrine sa 1st flag-raising ceremony

Pinangunahan ni Manila Mayor Francis ‘Isko’ Moreno ang flag-raising ceremony ng lungsod sa kauna-unahang pagkakataon niya bilang alkalde.

Sa nasabing seremonya, ibinida ng alkalde ang ginawang paglilinis ng local government sa Bonifacio Shrine na dating kanyang inilarawan na ‘pinakamalaking banyo’.

“Sa mahabang panahon, hindi niyo napakinabangan bilang mamayan ng lungsod ng Maynila (ang Bonifacio Shrine). Hindi na siya mapanghi, hindi na siya tae-tae island,” ayon kay Moreno.

“Nabawi na ng taong bayan ang parkeng ito,” pakli pa.

Kasama ni Moreno sa flag raising ceremony si Vice Mayor Honey Lacuña.

Matatandaan na ininspeksyon ni Moreno ang nasabing shrine, na katapat lang ng Manila City Hall, at dito nakatapak pa ng dumi ng tao ang alkalde. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?