111

‘Di na masaya si Christian – Austria

Swak naman si Christian Standhardinger sa San Miguel Beer, malaking tulong ang Fil-German.

Nagkatalo lang sa playing time. Kaya pinakawalan ng Beer ang top pick nitong 2017.

“He’s not happy with his playing time which he deserved naman talaga,” ani SMB coach Leo Austria kahapon.

Kapag may import ang conference, limitado na si Standhardinger.

“Kita mo naman last conference, pinaikot ko na lang (frontcourt) rotation kina June Mar (Fajardo), Christian at import. Nawalan ng playing time doon si (Kelly) Nabong at saka Arwind (Santos), nabawasan ‘yun.”

Pinamigay ng Beer si Standhardinger sa NorthPort kapalit ni Mo Tautuaa.

Magiging back-up si Tautuaa kay Fajardo na paroo’t parito sa San Miguel at duties niya sa national team, pagod na rin ang five-time MVP.

“Si June Mar, laging nasa national team kaya may wear-and-tear na siya roon,” punto ng coach. “Tulad ngayon, dalawang araw na ‘di siya nakapag-practice dahil not feeling well.”

Madalas ‘pag nasa foul trouble si Fajardo, bagay na mapupunan ni Tautuaa.

“Kapag nag-foul trouble si June Mar, meron kay reliable big man na poposte pa rin, dedepensa,” lahad ni Austria.

‘Di maiwasang pagkumparahin ng coach ang dalawa.

“Long-term sina Christian and Tautuaa, dahil pareho naman sila halos ng edad. Pero ang mga nagagawa ni Christian, kaya rin ni Tautuaa, like dumepensa,” aniya. “Also, si Tautuaa may perimeter shooting. Pareho silang inconsistent ni Christian. Pero ito ‘di mo puwedeng pabayaan, ‘di katulad ng isa na wala talagang tira sa labas.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?