78

Jul 4, 2022 @ 14:35
By

‘Di matalo, kinuha na lang: Kairi swak sa ONIC Indonesia

‘Di matalo, kinuha na lang: Kairi swak sa ONIC Indonesia

Pormal nang ipinakilala ng Indonesia-based Mobile Legends team na ONIC Esports ang Pinoy jungler na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol bilang parte ng kanilang koponan.

Si Kairi ay kinuha mula sa team na ONIC Philippines, na kanyang binuhat tungo sa runner-up finish sa M3 World Championships.

Dahil dito, si Kairi ang kauna-unahang Pinoy Mobile Legends player na lalaro sa ibang bansa bilang import.

Bukod kay Kairi, kinuha rin ng ONIC Indonesia ang serbisyo ni ONIC Philippines coach Denver “Yeb” Miranda. Tatayo rin si Yeb bilang parte ng coaching staff ng Indonesian squad.

Sa world scene ng Mobile Legends, Indonesia ang mahigpit na karibal ng Pilipinas ngunit ang mga Pinoy pa rin ang nagwagi ng malalaking torneo gaya ng M3, Southeast Asia Cup (MSC) at ang SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?