14

Sep 14, 2021 @ 13:34
By

‘Di magugutom! Apektado ng granular lockdown may biyaya agad

Aambunan agad ng tulong ang mga residenteng maapektuhan ng granular lockdown na sisimulan sa Metro Manila sa Setyembre 16.

Ito ang tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) spokesperson Jonathan Malaya ngayong Martes.

Aniya, ang lokal na pamahalaan na nakakasakop sa lugar ang siyang nakatoka na magbigay ng food packs at iba pang tulong sa mga apektadong residente sa unang linggo.

Sa ikalawang linggo naman ay ang Department of Social Welfare and Development ang naatasang manguna sa pagbibigay ng tulong.

“Assistance is given instantly,” pahayag ni Malaya ayon sa ulat ng GMA News.

“Food packs and other assistance from the LGUs will be provided for the 1st week while food packs from the DSWD will be given on the second week of granular lockdown,” dugtong pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?