332
'Di magpapatalo! Bal David haharurot vs Purefoods
By

‘Di magpapatalo! Bal David haharurot vs Purefoods

Matulin pa rin kaya ang binansagang ‘The Flash’ ng PBA noong dekada ’90s?

Sa Linggo sa Araneta Coliseum, bubuhayin ang rivalry ng mga legend sa prestihiyosong liga na ‘Return of Rivals’ sa pagitan ng dalawang makasaysayang franchise, ang Ginebra at Purefoods.

Magtatagisan ng galing ang dating mga siga ng hardcourt hindi lang para makatulong, kundi may halo na ring pride para sa bawat legend.

“Iba pa rin kasi yung ang makakalaro mo yung dating rival mo. Siyempre ayaw nyo ring matalo,” ayon sa 46-anyos na ngayong si David sa artikulo ng Spin.ph.

Madalas maglaro kasama ng PBA Legends si David, ngunit aminado itong medyo hirap na rin sa takbuhan.

“Parang kaya pa na hindi na,” pakli nito.

Makakasama ni David sa Team Robert Jaworski sina ‘The Destroyer’ Rudy Distrito, Joey Loyzaga, Pido Jarencio, Bennet Palad, Bobby Jose, Jayvee Gayoso, Dudut Jaworski, EJ Feihl, Wilmer Ong, ‘The Tank’ Noli Locsin, Vince Hizon, Marlou Aquino, Leo Isaac at JayJay Helterbrand.

“Na-miss namin ang isa’t-isa. Excited lahat this Sunday,” ayon kay ‘The Flash’.

Samantala pipiliting maglaro ni Danny Ildefonso kahit pa may iniinda itong groin injury sa isa pang laro sa Return of Rivals na binubuo naman ng mga San Miguel legend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?