62

May 13, 2020 @ 11:28
By

‘Di mabentang kalabasa binili ng LGU

Minarapat na bilhin ng pamahalaang lokal ng Zaragosa, Nueva Ecija ang mga inaning kalabasa mula sa Brgy. Batitang na hindi magawang maibenta ng mga magsasaka dahil sa kawalan ng buyer sa gitna ng ECQ.

Ayon kay Zaragosa Mayor Efren Nieves nakipagkoordinasyon sa kanila si Fr. Arnold Abelardo, tagapagsalita ng NE Inter Agency Task Force on COVID-19 para matulungan ang mga magsasaka na mai-dispose ang natenggang libo-libong piraso ng inaning kalabasa.

Pagkaraan ng pag-agapay ng pamahalaang lokal ay nagsagawa ng pamamahagi sina Fr. Abelardo sa mga bahay-bahay at maging sa Bahay ni San Jose na kanlungan ng mga inampong mga ulilang bata sa San Antonio.

Meron pa umanong isang trak ng kalabasa na nailuwas ng Maynila upang mabigyan ang mga kaparian at mga madre sa NCR.

Iminungkahi naman ni NE Gov Aurelio Umali, head ng NE IATF, ang gagawing pagpaplano sa “ecomic planning” ay upang matulungan ang mga magsasaka na maibenta nang maayos ang mga produkto kapag nagsabay-sabay ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?