95

Oct 20, 2021 @ 12:57
By

‘Di lilipat sa iba! Joey de Leon solid kay Sotto

Fake news umano kung may magsasabing may ibang susuportahan sa pagkabise presidente sa 2022 si Joey de Leon.

Pinabulaanan agad ni Joey sa kanyang social media post na ‘wag paniwalaan ang mga balitang may susuportahan siyang iba, bukod sa matalik niyang kaibigan na si Senator Tito Sotto.

“Tumirada na naman mga fake news! Kesyo may iniendorso daw akong kandidato! Pwede ba, nasa picture dito iboboto ko! Kailangan pa bang i-explain yan? PITONG Presidente na kaming magkakasama!” saad sa tweet ni Joey habang ibinahagi ang larawan kasama si Tito at Vic, na bumubuo sa trio nilang ‘Tito, Vic and Joey.’

At dahil sigurado siya sa kanyang susuportahan, sinabi ni Joey na hindi eleksyon ang problema niya. “Erection ang problema ko, hindi election!”

Sa kabilang dako, ikinainis din ni Sotto ang pagpapakalat ng fake news tungkol sa kanyang kaibigan.

“Some desperate people are posting Joey De Leon endorsing a presidential candidate. Fake news! Joey is furious. I just talked to him,” ani Sotto sa kanyang tweet.

Si Sotto ay ka-tandem ni Senador Ping Lacson sa 2022 elections. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?