765

Apr 19, 2020 @ 22:31
By

‘Di lang sa Tondo pasaway! Mga pulis sumugod sa Pacific Plaza Towers sa reklamo ni Lino Cayetano

Nagsulputan ang mga pulis na naka-camo uniform sa Pacific Plaza Towers nitong Linggo dahil umano sa ‘civil disturbance’ sa condo sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ito’y dahil sa reklamo umano ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, na residente ng nasabing condo, na tumawag kay Police Community Precinct 7 commander, Police Station Maj. Joseph Austria matapos na hindi umano makontrol ng security ng PPT ang ibang residente na mamalagi sa pool area.

Nanigaw umano ang pulis sa mga local at foreign resident ng nasabing building, na hindi sinusunod ang social distancing sa ilalim ng enhanced community quarantine.

Pinagbantaan pa umano ng pulis na aarestuhin ang mga pasaway kapag hindi sumunod sa preventive measure ng gobyerno.

Noong nakaraang linggo, lampas isang dosena na residente ng BGC ang hinuli dahil sa pag-jogging habang lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?