852

By

‘Di laging libre! Angel naglustay ng P100K para makadalo sa 2018 ABS-CBN Ball

Kinontra ni Angel Locsin ang ilang mga netizen na kumukutya sa kanya dahil sa hindi pagdalo sa ngayong edisyon ng ABS-CBN Ball.

Mas pinili ng Kapamilya actress na direktang i-donate na lang sa Bantay Bata 163 ang kanyang gagastusin para sa nasabing ball.

Mayroong mga netizen na hindi nagustuhan ang ginawa ni Locsin, depensa ay hindi naman umano masyadong magastos kung dadalo ito sa ball dahil nakakakuha naman umano ang mga aktres ng sponsorship sa mga gown designer.

Nilinaw ni Angel na hindi sa lahat ng pagkakataon ay napagbibigyan sila ng ‘ex deal’, sa katunayan ay naglabas pa umano siya ng P100,000 para lamang sa gown na susuotin niya noong 2018.

“Yes minsan may exdeal pero hindi ganun lahat ang case… like, last year 100k for gown alone ang binayad ko. wala pang fee ng stylist, glam team, hotel, etc.. also, hindi rin naman fair na hindi ka magbayad kasi hindi madali ang ginagawa ng team,” paliwanag ni Angel.

Hindi rin umano dahil artista sila ay laging sponsored na ang kanilang sinusuot dahil katulad ng normal na tao ay gumagastos din sila sa malakihang event tulad ng ABS-CBN Ball.

“San ba nangaling yung impression mo na parang ang privilege ng mga artista? Kung gumagastos ka pag may event ka, wala naman kaming pinagkaiba,” giit pa ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?