67

By

‘Di ko trabaho alamin ang health condition ng kahit sino – Calida

Sharing is caring!

Naging madiin ang naging tugon ni Solicitor General Jose Calida nang tanungin ito tungkol sa estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It’s up to the President. It is a personal matter,” saad ni Calida. “That’s not the business of the Solicitor General to find out health of anybody.”

Matatandaan na naging hot topic ang kalusugan ni Duterte makaraang aminin ng Pangulo na nagpakonsulta ito sa doktor para malaman ang naging ‘growth’ sa kanyang bituka.

Nitong Martes, kinumpirma ng Palasyo na walang kanser si Digong upang tapusin ang usap-usapan ukol sa kanyang kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: