49

By

‘Di ko pinatalsik si Mocha – Duterte

Sharing is caring!

Pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging balita na kanya umanong sinibak si dating Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Sa ipinost na video sa Facebook na video ni Mocha, maririnig sa interbyu kay Duterte na iginiit na nag-resign ang dating assistant secretary at hindi na-fire.

“No. You resigned. I never fired Mocha. Siya yung nag-resign,” sambit ni Duterte.


Inihayag din ni Uson na ang kanyang tatakbuhang posisyon ay posibleng hindi sa Senado, kundi sa Kongreso.

Tinanong ni Mocha kung ano ang kuro-kuro ng Pangulo sa kanyang pagtakbo, at ito ang naging tugon ni Duterte: “I will support you.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?