44

Nov 6, 2018 @ 13:56
By

‘Di ko pinapansin ang mga banyagang puro pasaring – Sotto kay Fox

Tumanggi si Senate President Tito Sotto na tumugon sa mga naging banat ni Sister Patricia Fox kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa administrasyon nito.

Ayon kay Sotto, na kaalyado ng Pangulo, hindi kailangang patulan ang mga dayuhan na panay banat lang sa bansa.

“I don’t pay attention to tirades specially from foreigners who have nothing good to say about our country,” ani Sotto.

Bago bumalik sa Australia matapos itaboy ng Department of Justice at Bureau of Immigration, sinabi ng madre na ‘reign of tyranny’ ang pinaiiral ni Duterte.

Ipinakansela ng DOJ ang missionary visa ng madre dahil natukoy na lumahok ito sa mga maituturing na political activity na bawal salihan ng mga dayuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?