77

May 23, 2021 @ 15:54

‘Di kinaya lamig: 21 todas sa China ultra-marathon

Patay ang aabot sa 21 kalahok sa ultra-marathon sa northwest China nitong Sabado ng umaga.

Nangyari ang Huanghe Shilin Mountain Marathon na maaraw pa, ngunit pagsapit ng ala-1 ng hapon ay bigla nang lumakas ang ulan at nagkaroon pa ng pagbagsak ng mga yelo o hail stone.

Habang patungo sa Yellow River Stone Forest ang aabot sa 172 runner ay bumaba pa ang temperatura, dahilan para magkaroon ng hypothermia ang mga kalahok.

Dito na pinatigil ng organizer ang ultra-marathon at nagkasa ng search operation para sa mga runner.

100 kilometro ang ruta ng ultra-marathon sa China, na doble sa normal na marathon.

Nitong Linggo, nasa 151 na ang na-rescue na runner, ngunit 21 ang natagpuang patay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?