93

Dec 7, 2020 @ 16:34
By

‘Di kinagat 15-day extension: Rex Gatchalian tutuluyan NLEX!

Para kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, kulang ang naging tugon ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa problema sa trapiko sa kanilang lungsod.

Ito’y matapos na ipatupad ng NLEX ang kanilang cashless system sa pamamagitan ng RFID simula noong November 1.

Humingi ng palugit na 15 araw ang NLEX para masolusyunan ang problema, ngunit ayon kay Gatchalian, dapat ay matagal na nilang naayos ang RFID system bago magsimula ang cashless operation sa naturang tollway.

“We deny your request for an extension of 15 days within which to respond to the concerns we raised. Your defense that the full RFID implementation only started last December 1 is not justifiable considering that you know beforehand that you will be executing the RFID cashless payment system,” ayon kay Gatchalian sa liham na pinadala kay Luigi Bautista, ang presidente at general manager ng NLEX Corporation.

“We find your answer unsatisfactory, wanting, and fell short of concrete action plans, solutions, and fixes,” aniya pa.

Dahil dito, nais ni Gatchalian na magkaroon ng toll holiday o hindi pagkolekta ng bayad sa mga motorista, at buksan ang lahat ng barrier sa mga toll plaza para gumaan ang trapiko sa kanilang lungsod.

Binigyan lang ang NLEX ng hanggang alas-5 ng hapon para sumunod kay Gatchalian, at kung hindi ito masusunod ay ipapatupad ang ‘cease and desist’ o ipapatigil ang operasyon ng NLEX at pabubuksan lahat ng barrier na sakop ng lungsod ng Valenzuela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?