270

Sep 18, 2019 @ 14:01
By

‘Di kasi expert sa Tagalog! Duterte ‘di umaming pina-ambush si Loot – Panelo

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi umano bihasa sa lengguwaheng Filipino si Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t nagkamali ng bigkas at nasabing ‘in-ambush’ si dating Daanbantayan, Cebu mayor na si Vicente Loot.

Sa panayam ni Panelo sa Unang Balita, sinabi nito na ‘Bisaya’ ang kinasanayang lengguwahe ng Pangulo kaya’t iba umano ang nais iparating ni Duterte sa naging speech nito noong Martes.

“General Loot. P*tang*na mo. Nanalo pa ng mayor. In-ambush kita, animal ka. Buhay pa rin,” lahad ng Pangulo.

“Hindi niya inamin. Kung papakinggan mo yung salita niya, ang sinabi niya, ‘In-ambush kita.’ But don’t forget that this President is a Bisaya. Ang talagang sasabihin niya, in-ambush ka na, buhay ka pa,” depensa naman ni Panelo.

“He is not proficient in the Filipino vernacular. Bisayang-Bisaya ‘yan eh,” aniya pa.

Dagdag pa ni Panelo, wala umanong pag-amin ang Pangulo na ito ang nagpa-ambush kay Loot, na nilarawan niyang ‘silly’ at ‘ridiculous’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?